Nagsimula nang mag-export ang Pilipinas ng tone-toneladang durian sa China mula Mindanao.
Aabot sa 28 toneladang durian cargo o halos 28,000 kilo ng durian ang dinala sa China via Davao International Airport matapos makapasa sa General Administration Customs of China.
Neto lamang Sabado De Gloria nang muli na namang nagpadala ng durian ang Pilipinas via air cargo na may timbang na 28 tons habang 702 tons naman ang ipinadala via sea vessel.
Matatandaang ang pag-eexport na ito ng Pilipinas patungong China ay bunga ng bilateral agreement noong Enero sa ginawang state visit ni Pangulong Marcos sa Beijing.