Handa ang pamahalaan na pagaanin ang epekto ng ongoing Middle East crisis sa presyo ng langis at fertilizer sa Pilipinas.
Sinabi ni Palace Press Officer Usec, Atty. Claire Castro, na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mahigpit na i-monitor ang hidwaan ng Israel at Iran.
Ito ay upang makapagbigay agad ang gobyerno ng tulong sa mga motorista, sakaling magkaroon ng oil price hikes.
Bukod sa fuel subsidy, inihayag ni Castro na maaaring makipag-ugnayan ang Department of Energy sa mga kumpanya ng langis upang mapanatili ang inventory level at makatulong sa pag-manage ng price adjustments.