Naghahanda na ang Pilipinas para sa hosting ng Asian Cycling Confederation Track Championships.
Gaganapin ito sa Marso sa susunod na taon sa bagong tayong Tagaytay CT Velodrome.
Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino na ito ang unang pagkakataon sa loob ng tatlong dekada na magho-host ang Pilipinas ng Asian-level championships.
Kahapon, dumalo si Tolentino sa opening ceremony ng 2025 Track Asia Cup sa Suphan Buri Velodrome sa Thailand, na ilang ulit nang nag-host ng kumpetisyon sa mga nagdaang taon.
Nag-ocular survey din ang POC chief sa pasilidad na magsisilbing venue para sa 33rd Southeast Asian Games track competitions sa Disyembre.