Muling napabilang ang Pilipinas, sa ‘white-list’ ng International Maritime Organization (IMO), ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Ayon sa DOTr, ang pagsama ng bansa sa white list, ay nagpapatunay sa katayuan ng Pilipinas, bilang tagapagbigay ng world-class na Filipino seafarers sa pandaigdigang industriya ng maritime.
Nakasaad sa Maritime Industry Authority (MARINA) na ang pagkilala ay ibinigay para sa ‘commitment’ ng bansa, sa pagpapanatili ng mataas na pamantayan sa maritime education, mga training, at sertipikasyon para sa mga Filipino seafarer.