dzme1530.ph

Pilipinas: mga paglabag ng China mula 2016, iniipon ng OSG

Bukod sa isinasagawang imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pagbangga ng Chinese Vessels sa mga barko ng Pilipinas, iniipon na ng Office of the Solicitor General (OSG) ang lahat ng mga ginawang paglabag ng China simula noong 2016 nang manalo ang bansa sa Arbitral Tribunal.

Kung noon ay mahigit isang taong pinaghandaan ang kaso laban sa China, katuwang ang isang Us Law Firm, ngayon ay mag-isang kumikilos ang OSG para sa legal na aksyon subalit may tinitingnan din umanong Non-Legal Options.

Kabilang sa mga paglabag ng China sa Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGS) na inilista ng Pilipinas ay ang hindi pag-iwas ng Chinese Vessels sa banggaan at panghaharang.

Maaring maghain ng kaso ang Pilipinas laban sa China kaugnay nito at pwede ring magreklamo sa International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS) at humingi ng danyos sa pinsala na tinamo ng resupply ship at barko ng PCG.

—Ulat ni Lea Soriano-Rivera, DZME News

About The Author