Ibinida ng Department of Agriculture ang multi-billion dollar export potential ng Pilipinas sa iba’t ibang produkto.
Sa pakikipagpulong sa Brunei companies at business organizations, inihayag ni DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na aabot pa sa 2.7 billion dollars ang export potential ng bansa sa tropical fruits at mga gulay.
Mayroon ding 452 million dollars na export potential sa fish at shellfish, at 2.2 billion dollars sa processed foods at beverages.
Bukod dito, umuusbong na rin ang potensyal sa export ng iba pang produkto tulad ng abaca, kape, at seaweed.
Kaugnay dito, umaasa si Laurel sa mabubuong partnership ng Pilipinas at Brunei sa agri-trade at agri-business.