dzme1530.ph

Pilipinas, mangungutang ng ₱310-B sa local creditors sa Q4

Plano ng pamahalaan na umutang ng ₱310 billion mula sa domestic market sa fourth quarter ng 2024, ayon sa Bureau of Treasury.

Sinabi ni National Treasurer Sharon Almanza na ang planong pangungutang ng gobyerno ay on track sa kanilang full-year borrowing target.

Batay sa datos ng Treasury, itinakda ang borrowing plan ngayong taon sa ₱2.57 trillion, na kinabibilangan ng ₱1.92 trillion mula sa local creditors at ₱64.08 billion mula sa ibang bansa.

Para sa buwan lamang ng Oktubre, plano ng pamahalaan na mangutang ng ₱145 billion. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author