dzme1530.ph

Pilipinas, makakakuha ng dagdag suporta sa ibang bansa kaugnay sa laban sa territorial dispute sa WPS

Tiwala si Senate President Juan Miguel Zubiri na makakakuha pa ang Pilipinas ng dagdag na suporta mula sa mas marami pang mga bansa bunsod ng inilabas na bagong 10-dash line map ng China.

Aminado si Zubiri na nakakagulat ang hakbang na ito ng China.

Bukod sa Pilipinas, apektado na rin at tila sinakop ng China sa kanilang 10-dash line map ang bahagi ng teritoryo ng India, Indonesia, Malaysia at Vietnam.

Kaya naman naniniwala ang senador na sa bagong hakbang na ito ng China ay mas mapapatibay ang suporta para sa Arbitral Ruling na hindi kumikilala sa 9-dash line claim ng China sa West Philippine Sea.

Kaugnay nito, nangako si Zubiri na ipaprayoridad ng Senado ang pagpapasa ng Philippine Maritime Zones bill bago matapos ang taon. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author