dzme1530.ph

Pilipinas, magkakaroon na ng AI Weather Forecasting System

Magkakaroon na ang Pilipinas ng high-resolution Artificial Intelligence (AI) Weather Forecasting System sa nilagdaang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Department of Science and Technology (DOST) at AI Meteorology Company na Atmo Inc., sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa San Francisco, United States.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., malaki ang maitutulong nito sa pagpapalakas ng Climate Resilience ng bansa.

Mababatid na ang Pilipinas ay tinatamaan ng maraming bagyo kada taon na nagdudulot ng malawak na pinsala sa imprastraktura, agrikultura, mga ari-arian, at maging sa buhay ng tao.

—Ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author