Mag-eexport na muli ang Pilipinas ng Pili nuts sa Europa.
Ito ay makaraang makapasa ang Pili nuts sa food safety and labelling requirements ng European Union.
Dahil dito, kasama na ang dried Pili nuts sa inilabas na European Commission Implementing Regulation 2023/267 kaugnay ng listahan ng novel foods na maaaring ilagay sa EU Markets, at maaari nang maipasok ang produkto sa 27 EU member states.
Mababatid na natigil ang pag-eexport ng Pili nuts sa EU dahil sa binagong EU rules para sa novel foods noong 2015.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority, ang Bicol region ang nananatiling top producer ng Pili sa bansa kung saan nanggagaling ang 84% ng produksyon nito.