dzme1530.ph

Pilipinas, mag-aangkat ng 25K toneladang isda ngayong taon

Pinayagan ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat ng 25,000 metrikong toneladang isda para mapunan ang pangangailangan ng merkado.

Inisyu ng DA ang Certificate of Necessity to Import (CNI) sa ilalim ng Memorandum Order no.17, para sa pag-aangkat ng 25,000 metric tons ng frozen small pelagic fish mula Oktubre 1 hanggang Disyembre 31 ngayong taon.

Ang naturang bilang ay mas mababa sa 35,000 metrikong toneleda na allowable import noong 2023.

Ayon kay DA-BFAR spokesperson Nazzer Briguera, ang hakbang ay upang mapanatiling stable ang presyo ng frozen fish sa panahon na sarado ang mga pangunahing fishing grounds sa bansa.

Nabatid na nakasaad sa Memo na 20,000MT o 80% ng maximum importable volume ay mapupunta sa mga commercial importers, habang ang natitirang 20% o 5,000MT, ay ipagkakaloob sa fishing associations at kooperatiba. —Katrina Almojano, DZME Intern

About The Author