Naniniwala ang World Economic Forum na maaaring maging isang $2-trillion economy ang Pilipinas sa susunod na dekada.
Sa press conference sa Malacañang, inihayag ni WEF President Borge Brende na makakamit ito basta’t magpapatuloy ang mga reporma sa ekonomiya, kaakibat ng patuloy na pagbuhos ng investments sa edukasyon, at sa imprastraktura kabilang ang airports at mga kalsada.
Kasama rin ang pagpapalakas sa upskilling at right-skilling sa 110-million na populasyon ng bansa, para sa pag-aangat sa competence ng mga Pilipino.
Naniniwala rin ang WEF na hindi magiging hadlang ang geopolitical tensions sa rehiyon upang makalikom ng investments ang Pilipinas partikular sa manufacturing.
Kaugnay dito, pinayuhan ng WEF ang bansa na palakasin pa ang ease of doing business, at panatilihin ang positibong direksyon para sa ekonomiya.