dzme1530.ph

Pilipinas, kabilang muli sa World’s Worst Countries for workers

Napabilang muli ang Pilipinas sa World’s 10 Worst Countries for workers, ayon sa 2024 Global Rights Index of the International Trade Union Confederation (ITUC).

Base sa survey, isa ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo kung saan exposed ang mga manggagawa sa unfair labor practices at walang access sa kanilang mga karapatan.

Simula noong 2017 ay kabilang ang Pilipinas sa 10 worst countries for workers.

Sa 2024 global right index, nakakuha ang bansa ng rating na five gaya noong 2023 matapos matuklasan na walang garantiya sa kanilang mga karapatan ang mga manggagawa.

Kasama ng Pilipinas sa worst countries ang Bangladesh, Belarus, Ecuador, Egypt, Eswatini, Guatemala, Myanmar, Tunisia, at Turkey.

Samantala, ang best countries for workers ay kinabibilangan naman ng Austria, Denmark,  Germany, Iceland, Ireland, Italy, Norway, at Sweden.

About The Author