Naghain na ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa panibagong 10-dash line ng China sa South China Sea.
Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni Department of Foreign Affairs Assistant Sec. Daniel Espiritu na ibinabasura at tinatanggihan nila ang 10-dash line.
Kasabay nito’y sinabi ni Espiritu na ipinagpapatuloy nila ang pagtataguyod ng mapayapang pag-resolba sa South China Sea dispute.
Matatandaang sa 2023 edition ng mapa ng China na inilabas ng Chinese Ministry of Natural Resources, mula sa 9-dash line sa South China Sea ay makikitang pinalawak na nila ito sa 10-dash line.
Samantala, sa hiwalay na pahayag ay tinawag ito ng DFA bilang panibagong pagtatangka ng China upang gawing lehitimo ang ipinipilit nilang soberanya at jurisdiction sa ilang teritoryo at maritime zones ng Pilipinas, na walang batayan sa ilalim ng International Law. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News