![]()
Ipinatigil ng Department of Agriculture (DA) ang importasyon ng wild at domestic birds, kabilang ang poultry products mula sa Netherlands, kasunod ng outbreak ng bird flu sa naturang European country.
Sa isang pahayag, sinabi ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na iniulat ng Dutch veterinary authorities sa World Organization for Animal Health ang outbreak ng H5N1 Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) sa isang munisipalidad sa Drenthe, na tumama sa domestic birds.
Saklaw ng import suspension ang poultry meat, day-old chicks, itlog, at semen na ginagamit sa artificial insemination sa breeders mula sa Netherlands.
Inatasan din ni Tiu Laurel ang Bureau of Animal Industry (BAI) na suspindihin ang pagproseso at paglabas ng sanitary at phytosanitary import clearances para sa poultry commodities mula sa naturang bansa.
