Inaasahang makapagpo-produce ang Pilipinas ng 128,000 semiconductor professionals pagsapit ng 2028.
Sa Courtesy call sa Malacañang US High-Level Trade and Investment Mission, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sa tulong ng America sa ilalim ng kanilang CHIPS Act, inaasahang malilikha ang daan-daang libong semiconductor engineers at technicians.
Ito umano ang tutugon sa tumataas na demand sa technology industries.
Ibinida rin ni Marcos ang Filipino workforce na karamihan ay mga bata, mabilis matuto, malikhain, highly skilled, produktibo, at may kakayanang mag-adapt sa iba’t ibang kultura.
Sinabi pa ng Pangulo na handa ang bansa na tumulong sa America sa kanilang research and development.