![]()
Lumapit na ang Pilipinas sa Russia hinggil sa posibilidad na pag-import ng langis, sa gitna ng paghahanap ng pamahalaan ng alternative supply sources.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, kinontak na ng Philippine National Oil Company (PNOC) ang Russian oil companies, bagaman hindi napag-usapan ang detalye sa potential volumes o supply duration.
Sinabi ni Garin na hinihintay pa ng Pilipinas ang tugon ng Moscow para sa posibleng pag-aangkat ng langis.
Bukod sa Russia, nakikipag-ugnayan din ang pamahalaan sa iba pang exporters, gaya ng Thailand, Japan, at Singapore, upang matiyak na may sapat na supply ang bansa.
