Umuutang ang Pilipinas ng $150 million sa World Bank upang mapagbuti ang kalidad ng public education sa gitna ng learning crisis.
Ayon sa loan document na naka-upload sa website ng World Bank, popondohan ng proposed loan ang Project for Learning Upgrade Support.
Kabilang dito ang mga programa na naglalayong mapabilis ang pagkatuto at recovery ng 21.1 million learners ng Grade K to 10.
Ipatutupad ng Department of Education ang proyekto sa loob ng limang taon, simula sa 2025.
Inaasahang i-a-appraise ng World Bank ang loan proposal sa April 1, 2025 at aaprubahan ito sa May 30, 2025. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera