Hindi pa rin makikipagtulungan ang pilipinas sa International Criminal Court.
Ito ay taliwas sa pahayag ni Justice Sec. Boying Remulla na makikipag-usap at magkakaroon sila ng kooperasyon sa ICC, sa harap ng imbestigasyon sa madugong war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Executive Sec. Lucas Bersamin, hindi nagbabago ang pananaw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Na wala nang jurisdiction ang ICC sa bansa, dahil epektibo na ang pagkalas nito sa rome statute.
Gayunman, nilinaw ni Bersamin na hindi nila pipigilan sakaling humingi ng tulong ang ICC sa interpol upang arestuhin o isailalim sa kanilang kustodiya ang isang indibidwal.
Sinabi ni Bersamin na kailangan nilang tumugon sa interpol sa ngalan ng pagkakaibigan at respeto, dahil nakikinabang din dito ang Pilipinas pagdating sa ibang kaso.
Nilinaw din nito na ang interpol ang kanilang pagbibigyan at hindi ang ICC. —ulat mula kay Harley Valbuena