Hindi na muling susuko ang Pilipinas sa anumang “external force” o pwersang panlabas.
Ito ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng bansa.
Sa kanyang talumpati sa Independence Day ceremony sa Quirino Grandstand sa Maynila, inihayag ng pangulo na hindi na susuko ang Pilipinas kailanman sa external forces na maaaring mag-dikta sa ating tadhana.
Bukod dito, tiniyak din ni Marcos ang suporta sa pagpapalaya sa bansa sa anumang mapaminsalang kondisyong panlipunan at pulitikal.
Nanawagan naman ang pangulo ng unity o pagkakaisa at solidarity upang mapagyaman pa ang ipinaglabang kalayaan, at makamit ang totoong pag-unlad.
Iginiit ng chief executive na ang lahat ng Pilipino ay may obligasyong itaguyod ang malayang republika bilang pagbibigay-pugay sa mga bayani, at para na rin sa mga susunod na henerasyon. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News