dzme1530.ph

Pilipinas, hindi lamang dapat sa China nakapokus kaugnay sa territorial dispute sa WPS

Hindi lamang dapat sa China nakapokus ang atensyon ng bansa kaugnay sa usaping may kinalaman sa ating territorial dispute sa West Philippine Sea.

Ito ang binigyang—diin ni Sen. Francis Chiz Escudero sa gitna ng isyu ng pagdagsa ng Chinese students sa Cagayan kung saan mayroong dalawang EDCA sites.

Ipinaalala ni Escudero na bukod sa China, may claim din sa WPS ang Taiwan, Vietnam at Malaysia.

Samantala, binigyang-diin ng Senador na dapat ang Bureau of Immigration ang dapat na unang pagpaliwanagin sa usapin ng pagdagsa ng mga Chinese students at dapat anyang  maglabas ang ahensya ng mga ebidensya na umaakto ang mga ito bilang spies.

Iginiit n Escudero na hangga’t hindi napapatunayan, mananatiling walang basehan ang mga alegasyon at hindi dapat maging dahilan ng pagkaalarma.

Kung matutuloy anya ang imbestigasyon ng senado ay ang BI ang dapat na unang ipatawag dahil sila ang may pangunahing responsibilidad sa pagpapatuloy sa mga dayuhang estudyante.

About The Author