dzme1530.ph

Pilipinas, hindi kailanman nangako sa China na aalisin ang US Typhoon missile

Loading

Walang anumang pangako na binitawan ang Pilipinas sa China na aalisin ang Typhoon midrange missile system ng Amerika sa bansa.

Pahayag ito ni National Security Council (NSC) Spokesman Jonathan Malaya, matapos igiit ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Guo Jiakun, na ilang ulit tiniyak ng Manila sa Beijing na pansamantala lang ang deployment ng Typhoon system.

Sinabi pa ni Guo na aalisin din ng Pilipinas ang US Typhoon missile pagkatapos ng malalaking military exercises.

Dumating sa bansa ang Typhoon missile mula sa Amerika noong April 11, 2024, at unang ginamit sa Balikatan Exercises.

About The Author