dzme1530.ph

Pilipinas, halos 90% nang handa para sa 2023 FIBA World Cup

Mahigit dalawang buwan bago ang 2023 FIBA World Cup, halos handa na ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa pagho-host ng aktibidad simula sa Agosto a-25 hanggang Setyembre a-10.

Ayon kay SBP President Al Panlilio, nasa 85% hanggang 90% na ang preparasyon ng bansa, at umaasa siyang magiging maayos ang pagtanggap sa mga delegasyon na kinabibilangan ng mga coach at manlalaro mula sa 32 bansa.

Bukod sa kompetisyon, naghahanda rin ang SBP sa pagho-host sa FIBA World Congress na dadaluhan ng 200 bansa, at Hall of Fame Ceremony kung saan bibigyan ng pagkilala ang sports legends, kasama si Caloy Loyzaga. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author