dzme1530.ph

Pilipinas, dapat pumasok sa mga kasunduang pang-ekonomiya, hindi lamang pang-militar

Hindi lamang dapat para sa pagpapalakas ng militar ang pinapasok na kasunduan ng bansa kundi dapat ay nakatutok din sa pagpapalakas ng ekonomiya.

Reaksyon ito ni Senate Minority Leader Koko Pimentel sa nilagdaan ng Pilipinas at Japan na Reciprocal Access Agreement (RAA) na magpapalakas sa defense relations ng dalawang bansa.

Iginiit ni Pimentel na dapat ay maibenta rin sa ibang mga bansa ang mga produktong yari sa Pilipinas o Philippine grown products.

Sa panig ni Senador Imee Marcos, iginiit na kalugod lugod ang pagkakaroon natin ng mas malakas na security ties sa mga kalapit bansa sa Asia Pacific region.

Subalit, dapat anyang masuring mabuti ang bawat linya at bawat salita na nakapaloob sa naturang kasunduan.

About The Author