dzme1530.ph

Pilipinas, dapat mas maghanda pa sa harap ng mas lantaran nang external threats

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mas nagiging lantaran at mas nakababahala na ang external threats o mga bantang nanggagaling sa labas ng bansa.

Sa Talk to the Troops sa Philippine Army 5th Infantry Division sa Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela, inihayag ng Pangulo na nakatutok din ang China sa Pilipinas dahil sa pagiging malapit nito sa Taiwan.

Kaugnay dito, iginiit ng Pangulo na kailangang mas paigtingin pa ang paghahanda, lalo na sa Northern Luzon.

Ipina-alala ng Commander-in-Chief na kung dati ay nakatutok lamang ang militar sa internal security, ngayon ay mayroon na silang dalawang misyon, kabilang ang pagtugon sa external threats.

Kasabay nito’y binigyang diin ni Marcos na hindi nagbabago ang tindig ng gobyerno na hindi nito isusuko ang kahit isang pulgada ng ating teritoryo.

About The Author