dzme1530.ph

Pilipinas, dapat hayaan ng ICC na magsagawa ng sariling imbestigasyon sa drug war —SolGen

Loading

Binigyang diin ni Solicitor General Menardo Guevarra na dapat hayaan ng International Criminal Court (ICC) ang Pilipinas na magsagawa ng sariling imbestigasyon sa war on drugs ng nakalipas na Duterte administration.

Sinabi pa ni Guevarra na ang ICC nga dapat ang tumutulong sa pagsisiyasat ng pamahalaan at hindi kabaliktaran nito.

Aniya, kung nais talaga ng ICC na makatulong, dapat ibahagi nila sa gobyerno ang kanilang mga ebidensya upang malitis ang sinumang dapat litisin.

Idinagdag ng SolGen na mayroon siyang naririnig na reports na labas-masok sa bansa ang mga taga-ICC, subalit hindi nila ito pinipigilan dahil nauunawaan nila ang mandato ng International Court na mag-imbestiga.

About The Author