dzme1530.ph

Pilipinas, binigyan ng Saudi Arabia ng dates bilang “message of love” sa pagitan ng dalawang bansa

Loading

Nagbigay ang Kingdom of Saudi Arabia ng mahigit 25 tons ng dates sa pamahalaan ng Pilipinas bilang pagkilala sa relasyon ng dalawang bansa.

Sinabi ni Saudi Arabia Charge D’affaires Abdullah Saad Alshahri, na ang dates ay idiniliver ng King Salman Humanitarian Aid and Relief Center.

Inihayag ng Alshahri na “sharing is caring” at ang dates ay napakahalaga at isa sa special products sa saudi.

Idinagdag pa ng opisyal na regalo nila ang dates na aniya ay message of love sa pagitan ng dalawang bansa.

Ang naturang customary gift ay tinanggap ni National Commission on Muslim Filipino Secretary Sabuddin Abdurahim.

About The Author