dzme1530.ph

Pilipinas, bigong maabot ang poverty, inflation, at innovation targets noong 2022

Hindi naabot ng Pilipinas ang targets para sa 2022 Core Development Indicators gaya ng poverty reduction, food inflation, at global innovation ranking, batay sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa Statistical Indicators on Philippine Development 2022 report, ang poverty incidence noong nakaraang taon ay naitala sa 18.1%, lagpas sa Philippine Development Plan target range na 15.5% to 17.5%.

Ang food inflation naman noong 2022 ay nasa 6.1%, na malayo rin sa 2% hanggang 4% target.

Samantala, pang-59 ang Pilipinas sa ranking sa Global Innovation Index mula sa 132 na mga bansa, kaya hindi naabot ang goal na maka-third sa rankings.

Tinaya ng PSA na posibleng hindi rin maabot ng Pilipinas ang 2023 Development Targets nito sa halos 40% ng binabantayang 493 indicators. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author