dzme1530.ph

Pilipinas at UAE, palalakasin pa ang ugnayan sa diplomasya

Palalakasin pa ng Pilipinas at United Arab Emirates ang ugnayan sa diplomasya.

Ito ang napagkasunduan sa courtesy call ni UAE Foreign Affairs Minister Sheikh Abdullah bin Zayed Al Nahyan, kay Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at first lady Liza Araneta-Marcos.

Nagpasalamat ang pangulo sa lahat ng tulong na ibinigay ng UAE sa Pilipinas at sa mga Pilipino, at ipinabatid nito ang pagnanais na palawakin pa ang relasyon ng dalawang bansa.

Tiniyak naman ng UAE official na isusulong niya ang pag-aangat ng kanilang bilateral ties, at binanggit din nito ang potensyal sa mas maigting na kooperasyon sa agrikultura, tubig, at renewable energy.

Pinuri rin nito ang mga Pilipino na itinuring na ang UAE bilang pangalawang tahanan, at sila ay nagpakita umano ng pagmamahal at hindi lamang dedikasyon.

About The Author