![]()
Pinangunahan nina Cong. Jolo Revilla at Senator Raffy Tulfo ang pagtanggap kay H.E. Mr. Saritpong Kiewkong, chairman ng Standing Committee on Labour ng House of Representatives ng Thailand.
Ayon kay Revilla, chairman ng House Committee on Labor and Employment, napapanahon ang engagement na ito dahil naghahanda ang Pilipinas sa pag-assume ng ilang chairman positions sa AIPA at sa ASEAN Summit 2026.
Pilipinas ang nakatakdang manguna sa regional discussions hinggil sa labor mobility, wage policies, protection ng migrant workers, at future-of-work issues, na mangangailangan ng kolaborasyon kasama ang iba pang ASEAN members.
Kasama sa delegasyon ng Pilipinas si DMW Sec. Hans Leo Cacdac at mga senior officials ng DOLE, habang ang Thai delegation ay binubuo ng 20 miyembro, kabilang ang committee officials, advisers, at kinatawan ng Royal Thai Embassy.

