Magsasagawa ang Pilipinas at Qatar ng joint projects at legislations exchange o pagpapalitan ng mga batas at regulasyon sa paglaban sa human trafficking.
Ito ay sa ilalim ng nilagdaang Memorandum of Understanding matapos ang bilateral meeting nina Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Qatari Amir Sheikh Tamim Bin Hamad Al Thani.
Ayon sa Presidential Communications Office, sa ilalim ng bilateral cooperation ay tutukoy at magpapatupad ng joint projects ang dalawang bansa upang maagapan ang human trafficking, kaakibat ng pagsusulong ng public awareness at mga pag-aaral at research o pagsasaliksik kaugnay ng isyu.
Samantala, sa ilalim naman ng MOU sa mutual recognition ng seafarers’ certificate, ipatutupad ang mga probisyong nakapaloob sa International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers, kaakibat ng amendments na ginawa ng Qatar.
Saklaw ng kasunduan ang certificates ng seafarers na nagsisilbi sa registered merchant ships ng dalawang bansa.