dzme1530.ph

Pilipinas at New Zealand, nagkasundong magkaisa sa harap ng geopolitical issues

Nagkasundo ang Pilipinas at New Zealand na magkaisa sa harap ng geopolitical issues.

Sa courtesy call sa Malacañang ni New Zealand Deputy Prime Minister and Minister for Foreign Affairs Winston Peters, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tugma ang kanilang pananaw na sa harap ng sitwasyon sa rehiyon, dapat sama-samang tumugon o magkaroon ng tindig ang maliliit na bansa.

Samantala, tinalakay din ang pagpapalakas ng relasyon ng dalawang bansa sa agrikultura, kalakalan at investments.

Humiling rin si Marcos sa top New Zealand diplomat na patuloy na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng Pilipinas at sa pribadong sektor, para sa posibleng pagsasakatuparan ng mga napag-usapan sa pag-bisita sa bansa ni New Zealand Prime Minister Christopher Luxon noong Abril.

Samantala, sa farewell call ni Italian Ambassador to the Philippines Marco Clemente ay pinuri ng pangulo ang kahalagahan ng Italya na isa sa mga bansang may pinaka-maraming Overseas Filipino Workers.

About The Author