Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kapwa kailangang magkaroon ng transformation ng Pilipinas at Malaysia, upang ito ay maging bahagi ng New World Order.
Sa pakikipagpulong kay Malaysian King Al-Sultan Abdullah sa Kuala Lumpur, sinabi ng Pangulo na napapanahon nang muling pag-aralan at palakasin ang relasyon ng dalawang bansa.
Iginiit din ni Marcos na dapat magtulungan ang Pilipinas at Malaysia upang malagpasan ang mga pagsubok ng post-pandemic period.
Kaugnay dito, naniniwala ang chief executive na ang partnership ng dalawang bansa ay makakabuti hindi lamang sa kanila, hindi lamang sa ASEAN, kundi pati na sa buong mundo.
Matatandaang ang Pangulo at si First Lady Liza Araneta-Marcos ay binigyan ng state welcome ceremony ng Malaysian King at Queen sa kanilang pagdating sa Istana Negara o ang National Palace ng Malaysia. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News