Nagkasundo ang Pilipinas at India sa pagtutulungan para sa pagtataguyod ng maritime security at kaligtasan ng Filipino seafarers.
Sa pakikipagpulong sa Malacañang kay Indian External Affairs Minister Subrahmanyam Jaishankar, isinulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mas matatag na kolaborasyon sa harap ng mga banta sa seguridad para sa mga barkong naglalayag sa Red Sea, Gulf of Aden, at Indian Ocean.
Kaugnay dito, umaasa si Marcos na makahahanap ng paraan ang dalawang bansa upang mapahupa ang sitwasyon at tensyon.
Sinabi naman ng Indian Official na dapat nang simulan ang mga hakbang na maaari nilang pagtulungan.
Samantala, nagpasalamat din si Marcos sa India para sa pag-rescue sa Pinoy seafarers mula sa MV True Confidence Ship na inatake ng Houthi rebels.
Tiniyak din nito ang pagsasaayos sa malabong local system para sa seafarers.