dzme1530.ph

Pilipinas at France, sisimulang pag-usapan ang VFA sa Mayo

Sisimulan na sa Mayo ng Pilipinas at France ang negosasyon para sa posibleng Visiting Forces Agreement (VFA), kung saan pahihintulutan ang French forces na magsanay kasama ang mga Pilipinong sundalo.

Ayon kay France Ambassador Marie Fontanel, magkakaroon ng defense committee meeting sa pagitan ng dalawang bansa sa Paris, sa ikatlong linggo ng Mayo, para pag-usapan ang planong VFA.

Noong December 2023 ay lumagda sina Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. at French Minister of the Armed forces Sebastien Lecornu ng letter of intent, upang pagtibayin pa ang defense at security cooperation ng dalawang bansa.

Kamakailan ay lumagda rin ang Pilipinas ng hiwalay na defense cooperation agreements sa Canada at United Kingdom, habang isinusulong ang military access pact kasama ang Japan para sa reciprocal access agreement.

About The Author