dzme1530.ph

Pilipinas at Estonia, bubuo ng kasunduan para sa e-governance at cybersecurity

Bubuo ng kasunduan ang Pilipinas at Estonia para sa kooperasyon sa e-governance at cybersecurity.

Ito ang tinalakay nina Department of Information and Communications Technology Sec. Ivan john Uy at Estonian Prime Minister Kaja Kallas sa sidelines ng Tallinn Digital Summit sa Estonia.

Ayon kay Uy, bumabalangkas na sila ng memorandum of understanding at pinagsasama-sama na rin ang inputs mula sa iba’t ibang ahensya.

Ibinahagi rin ni Uy ang planong pagtatatag ng polisiya sa artificial intelligence, at maaari umanong magsilbing kanilang modelo ang proseso sa pagbuo ng polisiya ng European Commission.

Sinabi naman ni Kallas na hinihintay na niya ang MOU kasabay ng pagtitiyak ng commitment sa pagtataguyod ng international law sa cyberspace upang labanan ang global cyber threats.

Ang Estonia ay isa sa mga bansang nangunguna sa mundo pagdating sa digitalization. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author