dzme1530.ph

PILIPINAS AT CHINA, TINALAKAY ANG ISYU KAUGNAY NG SOUTH CHINA SEA SA CEBU

Loading

Sumalang sa bilateral talks ang senior diplomats mula sa Pilipinas at China para talakayin ang issues sa South China Sea.

 

Sa mga nakalipas na taon ay patuloy ang paglala ng iringan at tensyon sa pagitan ng dalawang bansa dahil sa pinag-aagawang teritoryo.

 

Ginanap ang bilateral talks sa sidelines ng two-day ministerial meeting ng top diplomats mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Cebu.

 

Pinag-usapan nina Philippine Department Undersecretary for Policy Leo Herrera-Lim at Hou Yanqi, Director-General ng Department of Boundary and Ocean Affairs ng China, ang maritime-related matters, kabilang ang implementasyon ng umiiral na non-binding code sa pagitan ng ASEAN at China.

About The Author