dzme1530.ph

Pilipinas at Cambodia, lalagda sa mga kasunduan sa state visit ni Pangulong Marcos –DFA

Loading

Iba’t ibang kasunduan ang inaasahang lalagdaan sa state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Cambodia.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Angelica Escalona, ang mga kasunduang ito ay may kinalaman sa paglaban sa transnational crimes at higher education.

Makakasama ni Pangulong Marcos si First Lady Liza Araneta-Marcos sa tatlong araw na pagbibisita sa Cambodia mula Setyembre 7 hanggang 9, kasunod ng imbitasyon ni King Norodom Sihamoni.

Sa pagdating ng first couple, sasalubungin sila ni Acting Head of State at Senate President Techo Hun Sen at ng misis nito na si Rany Hun Sen.

Inaasahang sasabak din ang Pangulo sa bilateral meeting kasama ang Prime Minister ng Cambodia, pati na sa round table dialogue ng business leaders.

About The Author