Inanunsyo ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang dalawang economic corridors na tututukan ng Pilipinas at Brunei, para sa supply chain production.
Una rito ay ang West Borneo Economic Corridor na sasaklaw sa malaking bahagi ng Brunei.
Ikalawa naman ay ang Greater Sulu-Sulawesi Corridor kung saan magiging bahagi ang Palawan at ilang parte ng Mindanao.
Sa kanyang talumpati sa Philippine Business Forum sa Bandar Seri Begawan, inihayag ng pangulo na ang economic corridors ang magsusulong ng integrated o pinagsamang produksyon, at magbibigay ito ng maraming oportunidad para sa small and medium enterprises.
Umaasa rin si Marcos na sa pamamagitan ng trade at investment policy frameworks na nabuo sa pamamagitan ng ASEAN at regional comprehensive economic partnership, mapalalakas din ang supply chain integration at foreign direct investments.