Sinelyuhan ang apat na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Brunei, sa gitna ng state visit ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nasabing bansa.
Matapos ang pakikipagpulong ng pangulo kay Brunei Sultan Hassanal Bolkiah, nilagdaan ang Memorandum of Understanding (MOU) para sa kooperasyon sa turismo, hinggil sa pagtutulungan sa tourism projects at pagpapataas ng tourist arrivals sa dalawang bansa.
Itataguyod din ang islamic tourism o ang turismo sa muslim areas.
Sa ilalim naman ng MOU on standards of training, certification and watchkeeping certificates, kikilalanin ng Pilipinas at Brunei ang kani-kanilang national certificates.
Nilagdaan din ang MOU on Maritime Cooperation para sa pagtugon sa polusyon, skills training, research, at information sharing.
Sinelyuhan din ang letter of intent para sa renewal ng MOU sa kooperasyon sa food security at agrikultura.