dzme1530.ph

Pilipinas at Australia, nagkakaisa sa adbokasiya para sa nuclear weapon-free world

Ipagpapatuloy ng Pilipinas at Australia ang pagpapalakas ng International Security at pagsunod sa International Humanitarian Law.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang talumpati sa Australian Parliament sa Canberra sa harap umano ng umuusbong na teknolohiya tulad ng autonomous weapon systems, at bagong frontiers kabilang ang outer space at cyberspace.

Pinuri rin ni Marcos ang Treaty of Southeast Asia Nuclear Weapon-Free Zone na nagsulong ng Nuclear Risk Reduction, kasabay ng pag-saludo sa personal commitment ni Australian Prime Minister Anthony Albanese para sa nuclear weapon-free world.

About The Author