Lumagda ang Pilipinas at Australia sa Joint Declaration on Strategic Partnership para sa pagpapalakas ng kooperasyon sa iba’t ibang sektor.
Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Australian Prime Minister Anthony Albanese ang signing ceremony sa Palasyo, matapos ang kanilang bilateral meeting ngayong araw ng Biyernes.
Saklaw ng strategic partnership ang defense at maritime matters, pagpapalakas ng counterterrorism at law enforcement, at pagpapalalim ng kooperasyon sa climate action, edukasyon, development, at people-to-people exchanges.
Samantala, sinelyuhan din ang Memoranda of Understanding sa Work and Holiday Visa Arrangement at National Soil Health Strategy.
Kapwa naniniwala sina Marcos at Albanese na ang mga nalagdaang dokumento ang sumisimbolo sa pag-angat at pagpapatibay ng relasyon ng dalawang bansa, at pagpapaigting ng kooperasyon sa regional at national security. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News