dzme1530.ph

Pilipinas at Amerika, naglunsad ng war games kasunod ng malawakang drills ng China sa Taiwan

Naglunsad ang libo-libong Filipino at US Marines ng 10-araw na joint exercises sa hilaga at kanluran ng Pilipinas, isang araw matapos magsagawa ang China ng malawakang drills sa paligid ng Taiwan.

Sinimulan kahapon ang taunang KAMANDAG exercises na nakatutok sa pagdepensa sa North Coast sa malaking isla ng Luzon, na 800 kilometro ang layo mula sa Taiwan.

Ang joint US-Filipino exercises ay isinagawa sa gitna ng sunod-sunod na komprontasyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa agawan ng teritoryo sa South China Sea, na halos lahat ay gustong angkinin ng China.

Binigyang diin ni Philippine Marine Corps Commandant, Major General Arturo Rojas, sa opening ceremony ng KAMANDAG, na ang kanilang aktibidad ay matagal nang naka-plano at walang kinalaman sa mga nangyayari sa rehiyon. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author