dzme1530.ph

Pilipinas at Amerika, naglunsad ng live-fire exercises sa Zambales at Ilocos Norte

Nagsagawa ang mga tropa ng Pilipinas at Amerika ng live fire exercises sa mga baybayin ng Zambales at Ilocos Norte bilang bahagi ng taunang Marine Aviation Support Activity (MASA).

Inilunsad ang aktibidad sa dalampasigan ng Camp Bojeador sa Ilocos Norte at sa katubigan sa kanluran ng Naval Education, Training and Doctrine Command sa Zambales.

Ang MASA ay joint Philippine-U.S. military exercise na ginaganap sa Pilipinas, at nakatutok sa mutual defense, pagpapatibay sa relasyon ng dalawang armed forces, at pagsasanay ng mga bagong aviation concept.

Sinimulan ang naturang military activity noong June 3 at magtatapos ito sa June 21.

About The Author