dzme1530.ph

PILIPINAS, AAYUSIN ANG SEAPORT AT AIRSTRIP SA KALAYAAN ISLAND GROUP

Loading

Target ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ayusin ang seaport at airstrip sa Kalayaan Island Group simula sa susunod na taon, kasunod ng initial assessment ni Public Works Secretary Vince Dizon.

 

Sinabi ng kalihim na sasamantalahin niya ang mainit na panahon sa susunod na buwan para bisitahin ang Kalayaan Island Group para suriin at alamin ang mga imprastraktura na kailangan ng mga residente at mga sundalo.

 

Inihayag ni Dizon na bukod sa pagtatayo ng mga kalsada at water retention facilities, kailangan din aniyang palawakin, pahabain at pagandahin ang seaport at airstrip sa pag-asa island.

 

Idinagdag ng DPWH Chief na ang konstruksyon ng school buildings, mga kalsada, at iba pang mga imprastraktura ay gagawin sa pakikipagtulungan nina Transportation Secretary Banoy Lopez, Education Secretary Sonny Angara at Information and Communications Secretary Henry Aguda.

About The Author