dzme1530.ph

Pilipinang madre, nakaalis na sa Gaza sa gitna ng nagpapatuloy na digmaan

Nilisan na ng huling natitirang Pilipino sa Gaza ang sentro ng digmaan sa pagitan ng Israeli forces at grupong Hamas.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, nasa Israel na ang 63-taong gulang na madre na miyembro ng Missionaries of Charity Sisters of Saint Teresa.

Bunsod nito, kinumpirma ni DFA Undersecretary for Migration Affairs Eduardo de Vega na wala nang Pinoy na nananatili sa Gaza Strip.

Tumanggi naman si de Vega na sabihin kung paano ang ginawang paglikas, dahil totally confidential aniya ito sa bahagi ng kongregasyon ng madre.

Sinabi ng DFA official na ang Simbahan na mismo ang nagpalikas sa Madre para sa kaligtasan nito.

Una nang tumanggi ang Pilipina na lisanin ang pinasisilbihan nitong Simbahan sa Gaza sa kabila ng matinding digmaan. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author