dzme1530.ph

Php 1 one way base fare para sa international flight alok ng Air Asia

Nag-aalok ang AirAsia Philippines ng P1.00 one way base fare sa mga international destination ngayong April 27, 2023.

Ito’y bahagi ng pagpapalakas ng international presence ng air carrier sa dalawang pangunahing hub nito sa Manila at Cebu sa pamamagitan ng pagbabalik ng Manila – Shanghai flight at dalawang bagong ruta palabas ng South – Shenzhen, at Narita.

Ayon kay AirAsia Philippines Communications and Public Affairs Country Head Steve Dailisan, ang muling pagbubukas ng mga international routes ay bahagi ng plano sa pagbawi ng AirAsia Philippines.

Ang Manila-Shanghai flight na nakatakdang magbukas sa July 1 ay ang huling bahagi sa China network ng AirAsia kasunod ng muling pag-activate ng Manila-Shenzhen flight noong nakaraang buwan.

Ang dalawang bagong flight naman palabas ng Mactan-Cebu International Airport (MCIA) – Shenzhen na magsisimula sa June 2; July 1 naman magsisimula ang rutang pa-Narita.

Samantala, inaasahang magpapasigla sa flight experience ng mga Cebuano at iba pang manlalakbay mula sa Central Visayas papuntang Maynila para marating ang mga bagong destinasyong ito. —sa ulat ni Tony Gildo

About The Author