dzme1530.ph

PHIVOLCS, walang nakikitang indikasyon para ibaba ang alert level sa Bulkang Mayon

Walang nakikitang indikasyon ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) para ibaba ang alert level ng Bulkang Mayon sa Albay.

Ayon kay PHIVOLCS Director Dr. Teresito Bacolcol, ito’y dahil patuloy pa rin sa pag-aalburoto ang bulkan.

Sa pinakahuling report ng ahensya, naitala ang 339 rockfall events sa nakalipas na 24 oras, na mas mataas kumpara sa 299 rockfall events na naiulat kahapon.

Bahagya ring tumaas sa 706 tons ang ibinubugang sulfur dioxide ng Mayon volcano, na mas mataas kumpara sa 574 tons na naitala kahapon.

Bukod dito, naobserbahan din ng PHIVOLCS ang 13 pyroclastic current events sa bulkan.

Samantala, umabot na sa halos 20,000 individuals ang inilikas dahil sa patuloy na aktibidad ng naturang bulkan, kung saan dalawa rito ang nagpositibo sa COVID-19. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author