dzme1530.ph

PHIVOLCS, nakapagtala ng pagyanig sa Bulkang Kanlaon

Binabantayin na rin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Bulkang Kanlaon sa kabila ng pagaalburoto ng mga Bulkang Mayon at Taal.

Base sa 24-hour monitoring ng PHIVOLCS, nakapagtala ang bulkan ng halos tatlong volcanic earthquakes.

Nananatili rin ang paglabas ng 1,089 tonelada ng asupre o sulfur dioxide sa bunganga ng bulkan.

Kumpara kahapon ay mahina lamang ang pagsingaw na na-monitor sa Bulkang Kanlaon pero hangang sa ngayon patuloy parin ang pamamaga paglabas din ng usok sa bunganga ng bulkan.

Sa ngayon ay nasa ilalim ng Alert Level 1 ang Bulkang Kanlaon kaya patuloy na pinapaalahanan ang lahat na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) at ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa bunganga ng bulkan. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author