Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa posibleng steam-driven o minor phreatic eruption sa Taal Volcano sa Batangas.
Kasunod ito ng naobserbahang pagtaas ng seismic energy, at walang anumang visible gas emissions.
Gayunman, nilinaw ni PHIVOLCS Dir., Dr. Teresito Bacolcol, na ang advisory ay precautionary measure lamang at hindi forecast ng imminent eruption.
Sinabi rin ni Bacolcol na ang pagtaas ng seismic activities, na sinamahan pa ng kawalan ng steam plumes, ay maaaring indikasyon na may bara sa gas channels ng bulkan.